Doon Po Sa Amin, Sa Bayan Ni Juan

Mga nangyari noon at mga sariwang balita mula sa aking Inang Bayang Sinilangan. Kaugalian at kulturang dapat sana'y mahalin.Lupain ng ginto't bulaklak, tahanan ng Lahing Kayumanggi at Bayang Maharlika. Mga k'wento ng mapagsamantala at mapang-api.Paglabag sa Karapatang Pang-tao, katiwalian sa gobyerno, panloloko at pang-gagantso. Pag-lapastangan sa yamang-kalikasan. Bayan ng mga Pilipino, ang bayan nating lahat. PILIPINAS,MAKIBAKA... AT MABUHAY KA!

Wednesday, February 28, 2007

Logging in the Philippines

Description: This video is a segment in "Luzon: Disaster and Hope," a documentary produced by Moving Concepts and the Philippine Center for Investigative Journalism. Filmed and directed by Antonio Gerena. Written and reported by Howie Severino.

Labels:

Friday, February 09, 2007

Buhay sa Amerika ni Florante deLeon

Iniaalay ko sa aking mga kababayan na nasa ibang bansa lalo na dito sa mga taga-Amerika isang awiting likha ni Florante, isang tunay na Pilipino!(Naalaala mo ba 'sya?)

Buhay sa Amerika by Florante

Kung lunes hanggang biyernes
Sa trabaho abala
Kung Sabado
Habang nagpapahinga'y naglalaba
At kung linggo
Kadalasan ay nagtitinda pa
Ng kung anu-ano
Basta alam nakikita


Sa dami ng mga binabayarang hulugan
Hanggang sa pagtulog
Nagbibilang ang isipan
Bagay na totoo at hindi kataka-taka
Marami ang ganyan ang Buhay sa Amerika

Koro:

O ang Buhay sa Amerika
Hindi laging langit
At hindi laging masaya
Lalo na kung malayo ka sa 'yong minamahal
Oras, araw, buwan, taon ay parang mabagal

O ang Buhay sa Amerika
Hindi laging langit
At hindi laging sagana
Kaya 'dun sa nangangarap
Na dito tumira
Isa, dalawa, tatlong beses na mag-isip muna

Dito'y pauutangin ka
Hanggang sa mabaon
Susubsob ka sa hanap-buhay
Para umahon
Ang aasahang suweldo
Kahit gaano kataas
Lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas

Dito'y marami ding
Nagtago't tumatakbo
Dahil sa ang papel nila ay di pa kumpleto
Mayrong napipilitan sa kano'y magpakasal
Maging legal lamang kahit itong kano'y bungal

O ang Buhay sa Amerika
Minsan ay malungkot
Minsan ay katawa-tawa
At kung ako lamang
Ang s'ya ninyong tatanungin
Kung minsan mabuti pa
Ang naro'n sa atin

O ang buhay sa Amerika
Hindi laging langit
At hindi laging maganda
Ang kainaman lang
Ay kung ating pagsawaan
Mayroon bansa tayong tiyak na mauuwian


Bayan kong Pilipinas
Tayo'y Kanyang tatanggapin
Kahit anong oras
Pilipinas kong mahal
Kita'y hindi maipagpapalit
Kahit kailan

Oooh....aaahhh

Video: Full Version



Live Version in LA:

Labels: