Doon Po Sa Amin, Sa Bayan Ni Juan

Mga nangyari noon at mga sariwang balita mula sa aking Inang Bayang Sinilangan. Kaugalian at kulturang dapat sana'y mahalin.Lupain ng ginto't bulaklak, tahanan ng Lahing Kayumanggi at Bayang Maharlika. Mga k'wento ng mapagsamantala at mapang-api.Paglabag sa Karapatang Pang-tao, katiwalian sa gobyerno, panloloko at pang-gagantso. Pag-lapastangan sa yamang-kalikasan. Bayan ng mga Pilipino, ang bayan nating lahat. PILIPINAS,MAKIBAKA... AT MABUHAY KA!

Monday, September 03, 2007

Coke Bolipata at ang Musika!

Madalas kapag nagbabasa o nanonood ka ng balita tungkol sa ating Inang Bayang Pilipinas ito ay di maganda. Karaniwang tumatalakay ito sa mga negatibong pangyayari kagaya ng bulok na sistema ng mga pulitika at pamamalakad ng kasalukuyang gobyerno di magandang paguugali nating mga Pilipino.
Ang walang katapusang problema sa basura at baha ay tunay na nakakasawa at nakakalungkot. Tunay na di mo na mabibilang ang problema ng ating bansa at tila ba wala ng natitirang pag-asa!
Nguni't sa lahat ng ito pahintulutan nyo ang inyong lingkod na bigyang papuri at paghanga ang isang katangi-tangi Pinoy na gumagawa na tunay na maipagmamalaki nating mga Pilipino. Siya ay si Coke Bolipata na ginagamit ang kapangyarihan ng Musika tungo sa pagkakaisa. Katulong 'nya ang isa pang dayuhan na si William Harvey sa magandang layunin na ito.
Mula ng malaman ko ang kanilang dakilang layunin ay di ako makatiis na hindi ko ilagay ang kanilang gawain dito sa internet. Mabuhay ka kaibigan, kahit di ko kayo kilala ng personal nararapat lamang na bigyan kayo ng papuri!
Narito ang mga ilang patunay sa pamamagitan ng mga video na sumusunod!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home