Farmers March Protest or "LAKBAYAN" of KASAMA (Katipunan ng Samahang Magbubukid)
Magsasaka sa Southern Luzon maglalakad patungo sa Mendiola
Gugunitain ng mga magsasaka mula sa Southern Luzon ang ika-21 anibersaryo ng Mendiola massacre sa pamamagitan ng anim na araw na paglalakad patungo sa San Miguel, Manila malapit sa Malacañang.
Sa ulat ng dzBB radio nitong Linggo, sisimulan ng mga magsasaka ang pagmartsa sa Enero 16 at inaasahan nilang mararating nila ang Mendiola sa Enero 22.
Matatandaan na 13 magsasaka ang namatay nang paputukan sila ng baril ng mga pulis na nagbabantay sa Mediola noong Enero 22, 1987. Ang mga nasawi ay kabilang sa may 10,000 magsasaka ang nagprotesta sa Malacanang upang hilingin kay dating Pangulong Corazon Aquino na ipatupad ang tunay na repormang agraryo.
Bukod sa mga magsasaka, inihayag ng Katipunan ng mga Samahang Mambubukid sa Timog Katagalugan, na makikiisa sa kanila ang mga mangingisda at iba pang sektor ng manggagawa.
Noong Disyembre, tatlong buwan na naglakad patungong Maynila ang mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon upang ipaglaban ang kanilang sinasakang lupa na nabili ng San Miguel Food Inc.
Inaasahan naman na magiging bantay-sarado sa Enero 22 ang Mediola dahil na rin sa naunang pahayag ni Justice Secretary Raul Gonzalez na sa petsang ito isasagawa ang panibagong distabilisasyon laban sa pamahalaan.
Sinabi ni Gonzalez noong Sabado na ang impormasyon sa destabilisasyon ang dahilan kaya nagpalabas siya ng direktiba sa media upang hindi makasagabal sa magiging operasyon ng pulisya at militar.
Pinaalalahanan din ng kalihim ng mga tinatawag nitong “destabilizers" na huwag maliitin ang kakayahan ng pamahalaan.
Hindi naman malinaw kung bahagi ng sinasabing destabilisasyon ni Gonzalez ang nakatakdang protesta ng mga magsasaka. - GMANews.TV
Protesting farmers clash with cops in Manila
Farmers stage protest at Department of Agrarian Reform
Protesting farmers enter DAR chief's office
Bacoor cops block farmers marching to Manila
Farmers allowed to spend night at DAR
Southern Tagalog farmers hold rally in Metro
1,000 Southern Tagalog farmers hold program in front of DAR
Southern Tagalog farmers prepare to launch Metro rally
Batangas farmers continue march to Makati
Cops bar Southern Tagalog farmers' protest at DOJ
Southern Tagalog farmers hold rally in Makati
Southern Luzon farmers stage protest action in Metro
KMP won't be allowed to rally on Mendiola to mark massacre
Mendiola under tight security for Jan 22 rallies
Protest marks 21st anniversary of Mendiola Massacre
Saksi: Manila Mayor Lim recalls Mendiola massacre
Cops secure Mendiola vs protests to mark massacre
Marchers, farmers start trek to Mendiola
PNP secures Mendiola vs Jan 22 protesters
Protesters reach Mabuhay Rotonda in QC
Thousands of protesters reach Manila
2,300 cops block routes to Mendiola
Mendiola Massacre anniversary march comes off peaceful
Labels: farmers march protest, kasama, mendiola massacre anniversary
0 Comments:
Post a Comment
<< Home